PAYONG PANGGURO
Saturday, May 20, 2006
  LEARN GUITAR in a MONTH!
Mga sinubukang gawin:

1. Start with a prayer song, para sa musika nagsimula ang bawat klase.

2. Magparinig, magpalabas ng mga halimbawang gitarista. Lalo na 'yung mga gitaristang lumagpas sa sarili/sitwasyon. Sina Django Reinhardt, Segovia, Jimi Hendrix.

3. Sa simula pa lang, ituro na ang eksaktong tama. Halimbawa, guitar position, tumugtog nang nakatono, anggulo at puwesto ng daliri, saan magsisimulang mag-strum o mag-pluck, lakasan, etc. Para masanay na sa tama.

4. Linggu-linggo may recital. Para mag-practice sila. At para mapalakpakan sila. Pero kailangan tiyakin na kahit simple lang ang ginagawa nila, maging matagumpay sila roon. Wala nang mas masama sa mapahiya lang sila sa harap.

5. Push them to the next level. Kahit ayaw nila. Pero pag hindi pa talaga kaya, ibahin.

6. Kapag ayaw talaga nilang mag-practice o mag-perform, iwan sa kanila ang desisyon.

7. Alamin ang gusto nilang pag-aralan at kung paano. Kung gustong mag-solo artist, magbanda, mag-duet, mag-classical, magpakapa ng kanta, astig lang.

Public recital na namin sa Thursday. Excited na'ko. :)
 
kapag umuulan sa loob ng klasrum mo...:)

Name:
Location: Marikina, Philippines

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Archives
April 2006 / May 2006 / February 2007 / May 2007 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]