PAYONG PANGGURO
Sunday, April 30, 2006
  Framework: IGNATIAN PEDAGOGICAL PARADIGM
Notes ko para sa talk sa mga volunteer tutors ng Dela Strada Parish.
Minus 'yung mga kuwento.
Pagpalain kayo sa ginagawa n'yo!

1. CONTEXT
Pinakamahalagang hakbang.
Pagkilala sa hilig/kiliti/pagpapahalaga ng estudyante.
Para alam mo kung paano patalabin ang gusto mong sabihin.
Kapag alam mo ang leksyon at kilala mo ang estudyante, kahit ano'ng mangyari wala kang problema.

2. UNFORGETTABLE EXPERIENCE
Kapag di-nakalimutan, natutunan.
Para maging unforgettable ang mahalaga INVOLVEMENT.
Mas sangkot sila, mas 'di nila malilimutan.
Para maging mas sangkot, gumimik!
Para mas sangkot, pag-aralan ang gusto nilang pag-aralan at/o sa paraang gusto nila.
Kapag gusto mo kasi, sangkot ka na agad.
Isa pang paraan, repetition. Pag-uulit. Pagpapaulit. Huwag lang sosobra.

3. REFLECTION
Kailangang sila mismo ang gumawa.
Hindi puwedeng guro ang ngumuya at nagproseso.
Ang kinain mo na at ibinigay sa iba, at best dura iyon. Hindi ko na sasabihin 'yung worst.
Pero kapag naubusan na sila, puwedeng sabihin mo ng mga naisip mong di nila naisip.
Ikaw ang magbigay ng clincher kumbaga, bilang halimbawa at para sa kilig moments.

4. ACTION
Kailangang may gawin sila tungkol sa natutunan nila.
Mas praktikal mas ok. Mas useful at actual mas ok.
Gumawa ng posters na makikita ng lahat, blog, play.
Basta dapat maibahagi mo sa iba ang natutunan mo.

5. EVALUATION
Sa panig ng estudyante, ito ang quiz o pagtatanong sa huli bilang paglalagom.
Sa panig ng guro, ito ang gagawin mo habang bumibiyahe pauwi.
Ano ang ginawa mong tama/mali? Saan sila kinilig/na-bore?
I-note mo. Kahit mental lang. Para di na maulit.
 
  Framework: Disiplinang Kailangan para sa Bawat Kakayahang Pangkomunikasyon
PAGSUSURI
pagpapatunay
pagkalisto sa kasiningan/mahalagang detalye
bakit sinabi pa 'yun? bakit ganoon ang pagkakasabi?
pagtuklas sa organikong kaisahan

PAGBIGKAS
pag-eensayo
pagpapatalab sa bawat isa sa kaharap

PAGSUSULAT
pag-iisip ng bago/kakaiba
pag-eedit para dumulas/mawala ang di-kinakailangan
pag-eedit para sa organikong kaisahan/kasiningan
 
  Framework: PAGSUSURI ng NOLI
Kumbaga sa nobela, lalo na ng Noli at baka ng Fili.

1. PAGSUSURI ng KAHULUGAN

1.1 Literal
1.1.1 tagpuan
1.1.2 tauhan
1.1.3 nangyari
1.1.4 mga problema at pagbabago

1.2 Malalim
1.2.1 mga tema/paksang pinag-uusapan/themes
1.2.2 pinakasinasabi/pinakatema/main theme/main point
1.2.3 paglalapat/application

2. PAGSUSURI ng KASININGAN

2.1 mga simbulo, lalo na ng kalikasan
2.2 mga hirit/patawa
2.3 mga alusyon at iba pang tayutay
2.4 mga pagbabadya/pagbibitin/paglikha ng pananabik
2.5 mga pamagat at sipi

3. ORGANIKONG KAISAHAN

kung paanong nagsasama-sama
ang lahat ng elemento
upang makalikha ng iisang epekto/kahulugan/talab
 
  Framework: PAGSUSURI
Ito ang pinakalohikal at pulidong balangkas ng kakayahan sa pagsusuri na alam ko.
Natuklasan at/o naimbento ko habang gumagawa ng thesis.

PAGSUSURI

1. KAHULUGAN
1.1 Literal
1.2 Malalim

2. KASININGAN
2.1 Mga Tayutay at iba pang astig na paraan ng pagsasalita
2.2 Mga Simbulo at Motif
2.3 Mga Makasining na Estilo
 
  Strategy: RADIO PLAY RECORDING
CONTEXT:
SRP Filipino

FLOW:
Unang linggo, huling sesyon nag-iisip kami ng mga paksa.
Pinagbotohan , napili ang dalawa. Ginawang buod.
Pinagbotohan uli, napili ang isa, pinakinis ang buod hanggang wala nang butas at medyo kakaiba na.
Nagsulat ng iskrip. Nakaapat na burador din kami.
Araw ng pagrerekording, nasa ITC kami, may computer at 2 mikropono.
Pinasok muna namin 'yung mga boses, tapos tinuloy ni Justin sa bahay ang paglalatag ng Ingay at Musika.
Pinatugtog namin sa PA system noong huling araw ng SRP, huling 15 minuto ng recess.

EVALUATION:
Sobrang ok na training sa pagbigkas.
Kailangan mo kasing ulit-ulitin 'yung linya hanggang tama na ang pagkakabasa mo.
Kundi nakakahiya. Maririnig ng lahat na mali ka bumigkas.
Ito ang halaga ng recorded sa halip na live.
Kailangang naroon ang guro. To establish standards. Para walang puwede na.
Astig na may eksperto kami sa recording, musika, at SFX--si Justin.
Iba pa rin ang pakiramdam ng naririnig mo sa buong mataas na paaralan na umaalingawngaw ang boses mo at ang dulang pinaghirapan ninyo.
 
Friday, April 28, 2006
  Strategy: VIDEO PAGBIGKAS
KONTEKSTO:
SRP Pinoy 2006
madalas akong magbigay ng feedback pero parang walang pagbabago
kaunti lang naman kami kaya puwede ito

SETUP:
Nag-ulat ang bawat isa ukol sa isang kabanata ng Noli. Buod at malalim na pagsusuri.
Kinunan ko ng video ang buong pag-uulat (10 minuto bawat isa).
Buti na lang astig 'yung mic ng VHS camera ng ITC.
Minarkahan ko sa normal na paraan--may rubric.

Pinanood namin kinabukasan.
Sila mismo ang magbibigay ng puna sa pagbigkas nila.

EVALUATION:
Baka unang beses nilang nakita at narinig kung paano talaga sila bumigkas.
Nagulat sila, natawa, nahiya.
Nalaman ni Justin na wala siyang pakialam sa audience.
Nalaman ni Kevin na mukha lang siyang nahihiya pero tama naman ang laman at madalas na tama rin ang balarila.
Naisa-isa rin namin ang pagkakamali sa balarila ng iba.
Sana puwede itong gawin sa lahat ng estudyante.
Sana ginawa ko nang mas maaga.
 
  Strategy: SYUT
KONTEKSTO:
SRP Pinoy 2006
naiinip na kami sa klase
may mga galawgaw sa klase
katatapos lang namin basahin ang Noli
malapit na ang sulit-salita (oral exam)

SETUP:
basketbol
6 estudyante
scoreboard at tsok
10 puntos na kwis

RULES:
May isang estudyante sa free throw line, hawak ang bola.
Nakapaikot ang mga iba sa ring.
Magbibigay ako ng tauhan mula sa Noli.
Kailangang magbanggit ng detalye ukol sa tauhan ang nakasalang.

Kung mali ang detalye, wala siyang iskor sa round na 'yon.
Kung nabanggit na ang detalye, hindi siya nakikinig, kaya wala ring iskor.
Kung kulang ang detalye, magtatanong ang guro hanggang pakiramdam niya sapat na ang nasabi.

Kung tama ang detalye, syusyut siya. Kapag pumasok, may puntos na siya.
Kapag hindi, kailangang saluhin ito ng ibang kaklase bago tumalbog nang 2 beses.
Ang nakasalo naman ang pupuwesto sa free throw line at siya ring magtutuloy ng kuwento ng tauhan.
Pero ngayon sumasagot at syumusyut na rin siya para sa iniligtas niya.
Kung nakasagot na sa round na 'yon ang nakasalo, ipapasa niya ito sa hindi pa nakakasagot.

Uulitin ito hanggang makasampung sagot na ang bawat isa.
Nakasulat ang pangalan nila sa scoreboard, may 10 kahon sa tabi.
Nilalagyan ko ng tsek pag nakasagot pero wala pang puntos, bituwin pag may puntos na.

EVALUATION:
Astig.
Nagtutulungan sila.
At naa-appreciate nila ang ibang talento ng isa't isa.
Medyo matagal lang. Nakalimang round lang kami.
Ewan kung paano gagawin sa mas malaking grupo.
 
Thursday, April 13, 2006
  PRACTICE
Practice does not make perfect.
Only perfect practice makes perfect.
--Vince Lombardi, football coach, Green Bay Packers 1958-1967

Dapat kapag tumutugtog ka,
dapat laging tama, kahit bagalan mo pa.
Kung ganoon kasi, lagi mong kakampi ang percentages.
Mas maraming beses mo nang nagawa nang maayos.
--Ruben Reyes, gitarista, UST

Sa ensayo, kapag nagkamali ka, ulitin mo mula sa simula.
(Para wala kang ilusyon na kaya mong tugtugin 'yung piyesa
kahit may mga bahaging hindi pala.
Isang buhos lang ng atensyon ang piyesa,
mula simula hanggang wakas.)
--Ruben Reyes, gitarista, UST

Makinig ka sa sarili mong tumutugtog.
--galing sa internet, saan nga ba?
 
Thursday, April 06, 2006
  DO YOU STUTTER?
My student, L, stutters.

He's in my summer remedial class for Filipino, along with five others, four of whom really speak English as a first language. (The other one just had bad luck, I guess. Isn't that right, J? :)) It's painful for me to think that his condition might have contributed to his failure in the subject and ending up in my class.

I noticed it on our first speaking exercise, and wanting to understand his predicament, I asked: "Do you stutter when you're nervous?"

"Yes," he said.

"Then that's what you need to work on," I concluded. "Look for ways to relax before you speak because, if you don't, you won't get a decent score in Ease of Delivery (one of the criteria in the rubrics we use).

"Yes, sir," he said.

That weekend (we started class on a Friday), I surfed the net for information about stuttering and what could be done about it. And this is what I found:

Stuttering is a complicated condition. It is not cured by good advice, or by asking people who stutter to simply relax. They are hurt when others laugh at them, finish their sentences, and maybe even when people are too kind. People who stutter should be treated like everyone else, since they can achieve as much as anyone else. (Marilyn Monroe and Charles Darwin stuttered.) Stuttering is just another quality that makes a person unique, same as curly hair, dark brown skin, or flat noses which Filipinos commonly despise about themselves, but which are really nothing to be ashamed about.

So on our next schoolday, I treated him like I would any other student--with respect for his individual needs and talents. I found that he could make up for his stuttering by speaking more clearly and by coloring his delivery. I also found that he was good at literary analysis and creative writing. Pretty soon, he didn't stutter as often.

Maybe he got more relaxed in class. Maybe we just got used to the way he speaks. I really don't know. But now I'm kind of glad he's doing summer. Otherwise we might have never gotten to know him.

Ang guess what, I found out (or maybe it's more truthful to say I was reminded) that I stutter too. And look how great I turned out. :) Hindi ka nag-iisa, pare.
 
Monday, April 03, 2006
  TOUGH LOVE
Itong nakaraang Sabado, may kinausap akong grupo ng mga binata't dalagang magsisimula nang mag-tutor sa mga bata bilang bahagi ng kanilang programang outreach at scholarship. (Pagpalain sila ng Diyos!) May mga tanong sila ukol sa pagdidisiplina ng estudyante. Kaya ikinuwento ko ito sa kanila:

May ubo dati ang anak ko. E nakakita ng tsokolate. Humingi. "Hindi puwede," sabi ko. Umiyak, nagmakaawa, pero hindi ako bumigay. Sa isip ko: "Kahit umiyak ka pa nang umiyak, hindi kita bibigyan. Kasi makasasama sa'yo. Titiisin ko ang iyak mo dahil mahal kita."

Sabi ko sa kanila, dalawang bagay lang ang kailangang tandaan ukol sa pagdidisiplina:
1. Alamin mo kung ano ang tama at mali, at bakit; at
2. Huwag kang papayag na hindi nila gawin ang tama, kung mahal mo sila.

* * *

Last Saturday, I spoke to a group of teenagers who were about to start tutoring kids as part of their outreach/scholarship program. (God bless them!) They had questions about disciplining their students. So I told them this story:

My daughter had a cough but wanted to eat some chocolate. But since I knew that the chocolate would worsen her condition, I said no. She cried and shouted but I wouldn't give in. I endured her cries and her pleading because I loved her.

I told them that, as teachers, there are only two things you need to remember about discipline:
1. Know what is right and wrong, and why; and
2. Never allow your students to do the wrong thing, if you care for them.
 
  JOSE RIZAL on LAZINESS
It is amusing to note how similar a colonial government and a classroom can be, especially in this line I picked up from one of the world's greatest novels, Rizal's Noli Me Tangere:

(Padre Damaso had just concluded that the indios are not worth listening to because "They are lazy," he says. A young Spaniard replies:)

Tunay nga bang likas ang katamaran sa mga katutubo o ang nangyayari, gaya ng sabi ng isang banyagang manlalakbay, ginagamit lamang nating katwiran ang katamarang iyon upang pagtakpan ang sa atin, ang ating pagkukulang at ang ating sistemang kolonyal?

--Jose Rizal

English translation:
Is it true that the natives are naturally lazy, or is it that, as a foreign traveler has observed, we merely use this laziness as an excuse to cover up our own, our faults, and our colonial system?

Paraphrase for teachers:
When our students fail, is it because of their laziness or our own?



Rizal, Jose P. Noli Me Tangere. trans. Virgilio S. Almario. (Quezon City: Adarna House, 1998): 6
 
Sunday, April 02, 2006
  QUINTILIAN on TEACHING THE YOUNG
Let that age be daring, invent much, and delight in what it invents, though it be often not sufficiently severe and correct. The remedy for exuberance is easy; barrenness is incurable by any labor.

-Quintilian
 
  QUINTILIAN on TEACHING WRITING
With the greatest reason, I enjoin, that such as are beginning the practice of composition, write slowly and with anxious deliberation. Their great object at first should be, to write as well as possible; practice will enable them to write speedily. By degrees, matter will offer itself still more readily; words will be at hand; composition will flow; every thing as in the arrangement of a well-ordered family, will present itself in its proper place. The sum of the whole is this; by hasty composition, we shall never acquire the art of composing well; by writing well, we shall come to write speedily.

-Quintilian
 
  QUINTILIAN on SPEAKING EFFECTIVELY
Discourse ought always to be obvious, even to the most careless and negligent hearer: so that the sense shall strike his mind, as the light of the sun does our eyes, though they are not directed upwards to it. We must study not only that every hearer may understand us but that it shall be impossible for him not to understand us.

--Quintilian
 
  DON BOSCO on LOVING YOUR STUDENTS
1
It's not enough that you love the young...
they must know that they are loved.

2
When one knows that he is loved, he loves in return;
and from one who is loved, anything can be asked.

--St. John Bosco

SOURCE:
The Preventive System of Don Bosco. Makati City: Don Bosco Press, undated. page 8.

 
kapag umuulan sa loob ng klasrum mo...:)

Name:
Location: Marikina, Philippines

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Archives
April 2006 / May 2006 / February 2007 / May 2007 /


Powered by Blogger

Subscribe to
Posts [Atom]